Matagumpay na isinagawa ang Final Testing at Sealing (FTS) ng mga Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin para sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) sa iba’t ibang mga polling precincts sa lalawigan ng Lanao del Sur nito lamang September 12, 2026.
Kaugnay sa aktibidad, nagsagawa rin ng inspection si Police Colonel Caezar P Cabuhat, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, katuwang si Police Colonel Giusseppe A Geralde, Chief, Regional Personnel and Records Management Division at Area Supervisor ng Lanao del Sur, sa iba’t ibang mga polling precincts sa lalawigan para tiyakin ang seguridad at ang kahandaan ng mga tauhan nito sa panahon ng halalan.
Isinagawa ang aktibidad katuwang ang COMELEC, kasama ang mga Board of Election Inspectors (BEIs), at iba pang mga security at concerned agencies, upang matiyak ang epektibong koordinasyon at suporta para sa maayos at payapang election process.
Alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” nananatiling naka-alerto ang Lanao del Sur PPO katuwan ang iba pang mga government agencies sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ngayong araw ang 2026 BARMM PE.
Source: https://www.facebook.com/share/p/19K32D7GwK/?mibextid=wwXIfr

