Rank 8 Regional Most Wanted Person sa kasong qualified rape of a minor, arestado sa Aringay

0
197

Arestado ang Rank 8 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang kaso ng qualified rape of a minor, matapos maaresto sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa Brgy. Poblacion, Aringay, La Union, bandang alas 2:00 ng hapon noong Setyembre 10, 2026.

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Arnold,” 51 anyos, may asawa, tricycle driver, at residente ng Brgy. San Benito Norte, Aringay, La Union.

Pinangunahan ng Aringay Municipal Police Station (MPS) ang operasyon, katuwang ang Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1, La Union Provincial Intelligence Unit, La Union Provincial Investigation and Detective Management Unit, at 2nd La Union Provincial Mobile Force Company. Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy na pinaigting ng Aringay MPS ang manhunt operations laban sa mga wanted person upang matiyak ang kanilang pagkakaharap sa hukuman at mapalakas ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa komunidad na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Aringay MPS

Leave a Reply