Isinagawa ng mga tauhan ng Misamis Occidental Police Provincial Office (PPO) ang First Aid at Basic Life Support Training para sa Tourist Police sa Camp Major Lucas O. Naranjo, Lower Lamac, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Setyembre 9, 2026.
Naging posible ang naturang training dahil sa pangunguna ni Police Colonel Reynaldo M Maclang, MNSA, Provincial Director ng Misamis Occidental PPO, na may layunin na mapahusay ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga tauhan ng Tourist Police sa pagbibigay ng agaran at angkop na tulong sa panahon ng mga medikal emergency. Sa pamamagitan nito, mas matitiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga turista at ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
Patuloy ang Misamis Occidental PNP sa pagpapalawak ng kaalaman lalo na sa pagsagip ng buhay sa oras ng emergency na napapaloob sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis Tapat, at Nararamdaman.”
Source Misamis Occidental Police Provincial Office

