QCPD-DMFB, agad sumaklolo sa bagong panganak na ginang na nangangailangan ng medical assistance

0
56

Mabilis na tumugon ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) – District Mobile Force Battalion (DMFB) sa isang inang kakapanganak lamang na nangangailangan ng agarang tulong sa Malingap Street, Quezon City, dakong alas 12:30 ng madaling-araw noong Setyembre 9, 2026. Hindi nagdalawang-isip ang mga kapulisan at agad na sumaklolo upang matiyak ang kaligtasan ng ina at mabigyan siya ng kinakailangang medical assistance.

Agad na nilapitan at inalalayan ng mga tauhan ng DMFB ang ina at isinakay sa ambulansya upang ligtas na maihatid sa East Avenue Medical Center. Naging katuwang sa pagtugon ang mga tauhan ng Brgy. Teachers Village East Brgy. Public Safety Office (BPSO) na sakay ng Ambulance 117.

Ipinakita ng insidente na ang tungkulin ng kapulisan ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa maagap na pagtugon sa mga sitwasyong nangangailangan ng tulong. Ang malasakit, presensya, at kahandaang umagapay sa mamamayan ay mahalagang bahagi ng police service na nakasentro sa kapakanan ng komunidad.

Patuloy na pinatutunayan ng QCPD ang kahandaan ng PNP na tumugon sa bawat mamamayang nangangailangan, anumang oras at sa anumang sitwasyon. Sumasalamin ang ganitong police assistance sa pangako ng PNP na maghatid ng ‘serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.’

Source: QCPD (https://www.facebook.com/share/r/19bH8XeTgA/)

Leave a Reply