Tuesday, November 19, 2024

Php731K halaga ng marijuana nakumpiska; 2 arestado

Bontoc, Mountain Province – Tinatayang Php731,400 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang interdiction operation ng mga otoridad nito lamang Lunes, May 2, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Ruben Andiso, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office ang mga naarestong suspek na sina Ramon Matthew Mangalile, 21 at Cherwen Tangaro, 26, na kapwa mga turista at residente ng Poblacion, Baliwag, Bulacan.

Ayon kay PCol Andiso, nahuli ang mga suspek sa Sadanga-Bontoc terminal sa Poblacion, Bontoc, Mountain Province sa pinagsanib na puwersa ng operatiba ng Mountain Province PPO at Philippine Drug Enforcement Agency-Mountain Province.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong piraso ng tubular form na nakabalot sa cling-wrap at masking tape na pinaghihinalaang naglalaman ng dried marijuana leaves, pitong piraso ng ziplock na pinaghihinalaang naglalaman ng dried marijuana leaves, isang blue gray na back pack, isang blue back pack at isang unit ng Vivo android phone.

Ang mga nasabat na hinihinalang marijuana ay may bigat na humigit-kumulang 6 kilo na nagkakahalaga ng Php731,400.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon na ito ay bunga ng pagpupursigi ng PNP at PDEA na pigilan ang paglabas pasok ng ilegal na droga sa rehiyong Cordillera at mapanagot ang mga taong sangkot dito nang sa ganun ay mailayo ang komunidad lalo na ang mga kabataan sa perwisyong dulot nito.

Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3104584993112772&id=100006839044653

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles