Diadi, Nueva Vizcaya – Arestado ang isang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 sa isinagawang Manhunt Charlie ng Diadi PNP nito lamang Lunes, Mayo 3, 2022.
Kinilala ni Police Major Roderick Rabago, Hepe ng Diadi Police Station ang suspek na si Jobert Nifalar y Barcelon, 28, binata, isang driver at residente ng Brgy. Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat ni PMaj Rabago, bandang alas-nuebe ng umaga nang magsagawa ng operasyon at maaresto si Nifalar sa Brgy. Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya ng mga tauhan ng Diadi PS.
Si Nifalar ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 na may rekomendadong piyansa na Php72,000.
Ani PMaj Rabago, patuloy ang kanilang pagtugis sa mga suspek at sisiguruhin niyang mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang operasyon upang panagutin ang sinumang may paglabag sa batas.
###
Panulat ni NUP Sheila May V Valite