Purok Leaders’ Summit 2026, isinagawa ng South Cotabato PPO; Crime Prevention pinaigting

0
25

Pinigting ng South Cotabato Police Provincial Office (PPO) ang ugnayan nito sa mga lider ng komunidad sa pamamagitan ng magkahiwalay na Purok Leaders’ Summit 2026 na isinagawa sa Sto. Niño at Tampakan, South Cotabato noong Setyembre 4, 2026.

Sa Sto. Niño, pinangunahan ng mga tauhan ng South Cotabato PPO, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Peter L. Pinalgan Jr., Chief ng PCADU ang summit katuwang ang Sto. Niño Municipal Police Station (MPS), Local Government Unit at mga community stakeholders sa Janito’s Place, Brgy. Poblacion. Samantala, isinagawa rin ang katulad na aktibidad sa Tampakan katuwang ang Tampakan MPS.

Layunin ng summit na mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang mga purok leader upang maging mas aktibo sa pagtukoy at pagtugon sa mga suliranin sa kanilang mga komunidad, bilang bahagi ng paggunita sa ika-32 National Crime Prevention Week (NCPW) 2026.

Nakaangkla ang inisyatibang ito sa guiding pillars ng South Cotabato PPO na Accountability, Care, and Excellence (ACE) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang police-community partnership tungo sa mas ligtas, mapayapa at matatag na South Cotabato.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa NCPW, tamang paghawak ng mga reklamo, citizen’s arrest, Katarungang Pambarangay at Lupon Tagapamayapa, Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Republic Act No. 7610 at mga karapatan ng mga menor de edad, Barangay Information Network, mga tungkulin ng mga purok leader, at kampanya laban sa ilegal na droga.

Binigyang-diin sa mga aktibidad ang kahalagahan ng pagiging may kaalaman, mapagmatyag at aktibong katuwang ng mga purok leader sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa kanilang mga lugar, gayundin sa pagpapalakas ng daloy ng impormasyon at koordinasyon sa pagitan ng komunidad at pulisya.

Sa pamamagitan ng naturang summit, muling pinagtibay ng South Cotabato PPO na ang crime prevention ay isang sama-samang pananagutan na nangangailangan ng aktibong pakikilahok ng pulisya, lokal na pamahalaan, mga lider ng komunidad at mamamayan.

Leave a Reply