Rank10 Regional Most Wanted Person sa kasong murder, arestado ng PNP sa Magpet, Cotabato

0
25

Arestado ang isang 52 anyos na lalaki na kabilang sa Rank 10 Regional Most Wanted Person, matapos ang isinagawang manhunt operation ng Police Regional Office 12 (PRO12) sa Purok 5, Brgy. Balite, Magpet, Cotabato bandang 7:35 ng gabi noong Setyembre 4, 2026.

Napag-alaman na ang suspek ay kabilang din sa Rank 8 Provincial, at Rank 2 Municipal Most Wanted Person sa  nasabing rehiyon.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Toto,” isang magsasaka at residente ng nasabing brgy. na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Pinangunahan ng Tracker Team ng Magpet Municipal Police Station ang operasyon katuwang ang Cotabato Police Provincial Office–Provincial Intelligence Unit, PIT North Cotabato, at Regional Intelligence Unit 12.

Ang tagumpay na ito ay bahagi ng malawakang kampanya ng Pambansang Pulisya alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply