PRO7, patuloy ang kampanya kontra illegal gambling; 656 arestado sa buwan ng Agosto

0
33

Patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang kanilang kampanya kontra sa lahat ng uri ng illegal gambling sa pamamagitan ng 348 operasyon na isinakatuparan sa buong buwan ng Agosto na nagresulta sa pagkakaaresto ng 656 indibidwal at pagkakakumpiska ng Php82,848 bet money sa iba’t ibang bahagi ng Central Visayas.

Nanguna sa listahan ang illegal number games kung saan nakapagtala ang PRO7 ng 166 operasyon, sumuno naman ang  cara y cruz na may 95, illegal card games na may 53, illegal cockfighting na may 21, at dice games/mahjong na mayroong 10.

Ayon pa ni PBGen Arnold E Abad, PRO7 Regional Director, na mahalaga ang papel na ginagampanan ng lahat ng mga unit commanders upang masugpo ang ilegal na sugal sa kani-kanilang mga areas of responsibility.

Aniya, “Our commanders must know what is happening within their AORs and act decisively. We expect every unit to remain responsive and accountable in addressing illegal gambling activities” (Dapat alam ng ating mga commander kung ano ang nangyayari sa loob ng kanilang mga nasasakupan at kumilos nang maagap at tiyak. Inaasahan natin na ang bawat yunit ay mananatiling mabilis tumugon at may pananagutan sa pagtugon at pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad ng pagsusugal).

Samantala, nanawagan naman ang pamunuan ng PRO7 sa publiko na patuloy na suportahan ang kampanya ng kapulisan kontra illegal ganbling sa pamamagitan ng agarang pagbibigay ng detalye at impormasyon sakaling mayroong makitang kaganapan sa kanilang mga komunidad.

“If you know, report it. Your information can help police act and keep illegal gambling out of our communities” (Kung may alam ka, iulat ito. Ang iyong impormasyon ay makatutulong sa pulisya na kumilos at sugpuin ang iligal na pagsusugal sa ating komunidad), dagdag pa ni PBGen Abad.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1M4eCC4Cie/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply