Php1.3M halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa buy-bust operation ng Taguig City PNP; suspek, arestado

0
176

Nasamsam ang nasa Php1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu at arestado ang isang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa kahabaan ng C6 Road sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig City nito lamang gabi ng Huwebes, Setyembre 3, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier Glenn Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Alex”, 40 anyos, walang trabaho, residente ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City na nadakip sa pagsisikap ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, Taguig City Police Station Sub-Station 12 at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession), Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober sa naturang operasyon ang nasa apat na heat-sealed na transparent na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may tinatayang timbang na 200 gramo at nagkakahalaga ng Php1,360,000, buy-bust money at iba pang non-drug items.

Patuloy ang intelligence gathering, case build-up, at follow-up operations ng Southern Metro Cops upang matukoy at mapanagot ang iba pang sangkot sa ilegal na droga sa Southern Metro Manila bilang bahagi sa kampanya ng Pambansang Pulisya alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source Southern Police District

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply