Matagumpay na isinagawa ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company ang Ceremonial Unveiling of the Retention of Drug-Free Workplace noong Setyembre 3, 2026, sa Headquarters ng 1st Cagayan PMFC, Tuguegarao City, Cagayan.
Pinangunahan ni IA V Joshua V. Arquero, Assistant Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 02 (PDEA RO2), ang ceremonial unveiling na dinaluhan ng mga tauhan ng 1st Cagayan PMFC.
Isinagawa rin ang Awarding of Certificates and Tokens of Appreciation bilang pagkilala sa mga indibidwal na naging katuwang sa pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Program. Kinatawan naman ni PMaj Clan P. Cabansi, Deputy Force Commander, si PMaj Abdel Aziz D. Maximo, Acting Force Commander ng 1st Cagayan PMFC.
Binigyang-diin ni IA V Arquero ang kahalagahan ng patuloy na pakikiisa, disiplina, at pananagutan ng bawat miyembro ng organisasyon upang mapanatili ang isang ligtas at drug-free na lugar ng trabaho. Nagpahayag naman ng pasasalamat si PMaj Cabansi sa PDEA RO2 sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan, at binigyang-diin na ang pagpapanatili ng drug-free workplace ay hindi lamang tungkol sa sertipikasyon o pagkilala, kundi isang patuloy na dedikasyong dapat isabuhay ng bawat police officer bilang alagad ng batas.
Patuloy ang 1st Cagayan PMFC sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng disiplina, integridad, at pananagutan sa hanay ng kapulisan upang mapanatili ang ligtas at drug-free na workplace, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP 1st Cagayan PMFC



