R-PSB ng Negros Oriental nagasagawa ng Outreach Program sa Tayawan, Bayawan City

0
49

Nagsagawa ng Outreach Program ang Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) sa pamamagitan ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) sa mga residente sa Brgy. Tayawan, Bayawan City nito lamang August 28, 2026.

Mismong si PBGen Romano V CardiƱo, Regional Director ng PRO NIR ang nanguna sa aktibidad kasama sina PCol Lito E Patay, DRDO; PCol Simeon L Gane Jr., C, RCADD; at ang mga R-PSB Team leaders, PMDU NOrPPO, Department of Agriculture (DA), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Philippine Army, City Health Office, TESDA at Tayawan LGU.

Kabilang sa isinagawa ng grupo ang medical mission kung saan umabot sa 100 benepisyaryo ang nakinabang, kabilang na ang mga kabataan, kababaihan at mga senior citizen. Nakatanggap sila ng libreng mga medical check-ups, vitamins, at medisina.

Bukod pa rito, naghandog din ang grupo ng mga free haircut at massage services, maging ng pamamahagi ng 230 food packs at 100 seedlings para sa ikabubuti ng buong komunidad kasama ang inang kalikasan.

ā€œOur presence in the community must be felt not only through our efforts to maintain peace and security, but also through our willingness to serve and respond to the needs of our people. Through the R-PSB, we are bringing police service closer to the community and strengthening the trust that is essential to achieving lasting peace and security. This is the kind of service we envision under SAFE NIR, service that is Seen, Appreciated, Felt, and Extraordinaryā€ (Ang ating presensya sa komunidad ay dapat maramdaman hindi lamang sa pamamagitan ng ating pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at seguridad, kundi maging sa ating kahandaang maglingkod at tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng R-PSB, inilalapit natin ang serbisyo ng pulisya sa komunidad at pinatitibay ang tiwala na mahalaga sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at seguridad. Ito ang uri ng serbisyong nais nating maisakatuparan sa ilalim ng SAFE NIR—isang serbisyong Nakikita, Pinahahalagahan, Nadarama, at Natatangi), pahayag pa ni PBGen CardiƱo.

Alinsunod sa SAFE NIR Initiative, patuloy na maghahandog ng positibong pagbabago ang PRO-NIR sa pamamagitan ng mga R-PSB Team nito upang makapaghatid ng Seen, Appreciated, Felt, at Extraordinary Police Service na nakabatay din sa mantra ng Pambansang Pulisya na ā€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.ā€

Source: https://www.facebook.com/share/p/199NMmLjKh/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply