Pinalakas ng Ifugao Police Provincial Office (IPPO) ang health and wellness initiatives para sa mga tauhan nito sa pamamagitan ng Health Service Enhanced Access Roving Team (H.E.A.R.T.) Program na isinagawa noong Agosto 27, 2026, sa Tanglaw-Lahi Conference Hall, Camp Col. Joaquin P. Dunuan, Poblacion North, Lagawe, Ifugao. Layunin ng programa na mapanatili ang kalusugan, kapakanan, at kahandaan ng mga police personnel sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Pinangunahan ang aktibidad ng Regional Medical and Dental Unit (RMDU)–PRO CAR sa ilalim ni PCol Alex O. Manlangit, Chief, RMDU, katuwang ang Ifugao Provincial Medical and Dental Team (PMDT) na pinamumunuan ni PCpt Nancy T. Baguiwa. Nakibahagi rito ang mga piling tauhan mula sa mga Municipal Police Stations at Provincial Mobile Force Companies ng IPPO.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical consultation at check-up, dental services, psychosocial support at counseling, gayundin ang nutrition assessment at counseling. Sa pamamagitan nito, nabigyan ang mga tauhan ng pagkakataong masubaybayan ang kanilang pisikal at mental na kalagayan at matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan na maaaring makaapekto sa kanilang pagganap sa serbisyo.
Patuloy namang binibigyang-priyoridad ng PNP, sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ang kalusugan, kapakanan, at operational readiness ng mga tauhan bilang mahalagang pundasyon ng isang matatag, mahusay, at responsableng police service. Ang H.E.A.R.T. Program ay sumasalamin sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na tiyakin na ang mga naglilingkod sa bayan ay may sapat na suporta upang patuloy na makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa mamamayan.
Source: Ifugao PPO (https://www.facebook.com/share/p/1Q8JafQZzk/?mibextid=wwXIfr)



