2nd Isabela PMFC, nagsagawa ng seminar hinggil sa International Humanitarian Law

0
27

Matagumpay na nagsagawa ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2nd IPMFC) ng Seminar on International Humanitarian Law (IHL) noong Agosto 27, 2026, dakong alas 8:00 ng umaga, na dinaluhan ng mga personnel mula sa nasabing yunit at apat na Police Stations.

Isinagawa ang seminar sa pangunguna ng Regional Human Rights Affairs Office (RHRAO), Police Regional Office 2 (PRO2), sa pamamagitan ni PMaj Isabelita B. Gano, Regional Police Human Rights Officer, na nagsilbing resource speaker. Nagpaabot naman ng suporta si PMaj George C. Maribbay, Acting Force Commander ng 2nd IPMFC.

Tinalakay sa seminar ang mga pangunahing prinsipyo at probisyon ng IHL at ang kahalagahan nito sa police operations. Binigyang-diin ni PMaj Gano ang mahalagang papel ng bawat police officer sa paggalang at pagtataguyod ng human rights at International Humanitarian Law, partikular sa mga sitwasyong may kaugnayan sa armed conflict. Hinikayat din niya ang mga kalahok na maisabuhay ang mga prinsipyong ito sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin at manatiling nakatuon sa rule of law at pangangalaga sa mga pangunahing karapatan ng bawat indibidwal.

Nagpasalamat naman si PMaj Maribbay sa RHRAO sa pangunguna sa seminar at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto at capacity-building sa paghubog ng mga personnel na may sapat na kakayahan, propesyonalismo, at kamalayan sa karapatang pantao.

Patuloy na isinusulong ng 2nd IPMFC ang mga programa sa edukasyon at capability-building upang mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng mga personnel, habang pinananatili ang matatag na paninindigan sa rule of law, paggalang sa human rights, at paghahatid ng propesyonal at responsibong serbisyo sa mamamayan, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: SecondIsabela Pmfc

Leave a Reply