Matapos ang higit tatlong dekadang panunungkulan bilang kasapi ng Pambansang Pulisya, pormal ng nagretiro si Police Major Roderick Augustus B Alba sa isinagawang Retirement Honors ngayong araw, August 27, 2026 sa PNP Multi-Purpose Center, Camp BGen Rafael T Crame sa Quezon City.
Si PMGen Alba ang kasalukuyang Director ng Directorate for Police Community Relations. Siya ay kasapi ng PNPA Tagapagpatupad Class of 1992. Ang kanyang ama ay isang Philippine Air Force lieutenant habang ang kanyang ina ay isang public-school teacher.
Bago pa man siya umupo bilang TDPCR, siya ay nanungkulan muna bilang Deputy Director ng DHRDD (ngayon ay DET) at Regional Director ng Police Regional Office 7. Siya ay naging Regional Operations Officer at Police Community Relations Head din ng Police Regional Office 6. Noong 2016, siya ay nanungkulan bilang Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office. Siya ay unang naitalaga sa Camp Crame noong 2019 bilang Chief of Staff ng ITMS at kalaunan ay naging Deputy Director ng ITMS. Noong 2021, siya ay umupo bilang PNP Spokesperson at Chief of the Public Information Office, kung saan nagsilbi siyang tagapagsalita ng apat na Chief, PNP—sina PDG Guillermo Eleazar, PDG Dionardo Carlos, PDDG Vicente Danao Jr., at PDG Rodolfo Azurin Jr. Noong January 2022, siya ay napromote bilang Police Brigadier General.
Kabilang sa kanyang mga natanggap na parangal ang Officer of the Year, Bacolod City Police Office (1998); Finalist, Ten Outstanding Policemen of the Philippines (2000); Group Study Exchange, Rotary International to Florida, USA (2001); at ang One of the youngest OIC Provincial Directors, Negros Occidental (2010).
Sa kanyang dalawang taon na panunungkulan bilang pinuno ng DPCR, matagumpay niyang inilunsad ang ilang mga mahahalagang inisyatibo kabilang na ang Primer on Natural Disasters, PNP Daily Reflection 1.3, at ang Mentoring 3.0 – upang magkaroon ng mga ethical, at forward-thinking na mga lider ng hanay maging ang pagpapatuloy ng spirit of Bayanihan.
Bilang pinuno ng DPCR, buong puso namang pinasalamatan ni PMGen Alba ang lahat ng mga naging katuwang niya sa pagbibigay ng maayos at epektibong serbisyong pampulisya.
“To our current Chief, PNP PGen Jose Melencio C Nartatez Jr., Sir, thank you for continuously trusting, guiding and supporting me until my retirement. To the members of the Command Group (TDCA; TDCO & TCDS) and the Directorial Staff – thank you for your continued guidance and support. My deepest gratitude also goes to Ma’am Mary Rose Nartatez, Ma’am Mary Rose Marbil, the officers and members of PNP OLCFI, and our valued partners from Soroptimist International, British Embassy Manila, US DOJ-ICITAP, Australian Federal Police, Royal Malaysian Police, Team JCLEC Indonesia, and ASEANAPOL, through former Executive Director PCol Dave Vinluan. Your partnership has strengthened our shared mission” (Sa ating kasalukuyang Chief, PNP, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Sir, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala, paggabay, at suporta sa akin hanggang sa aking pagreretiro. Sa mga miyembro ng Command Group (TDCA, TDCO at TCDS) at Directorial Staff—maraming salamat sa inyong patuloy na paggabay at suporta.Taos-puso rin ang aking pasasalamat kina Ma’am Mary Rose Nartatez at Ma’am Mary Rose Marbil, sa mga opisyal at miyembro ng PNP OLCFI, at sa ating mga mahalagang katuwang mula sa Soroptimist International, British Embassy Manila, US DOJ-ICITAP, Australian Federal Police, Royal Malaysian Police, Team JCLEC Indonesia, at ASEANAPOL, sa pamamagitan ni dating Executive Director PCol Dave Vinluan.
Ang inyong pakikipagtulungan at suporta ay higit na nagpatibay sa ating sama-samang misyon at layunin.turan pa ni PMGen Alba.
Samantala, hinimok naman ni PMGen Alba ang lahat na magpatuloy sa kanilang mga pangarap sa kabila ng hirap ng kanilang mga pinagdaraanan.
“Never let your circumstances define your destiny. The deepest wounds often become the source of our greatest strength. If a fatherless boy from a humble home, with little more than faith and determination, can stand before you today, then so can you. So dream boldly, even when the dream seems impossible. Work with purpose, even when the road is difficult. Never give up. One day, you will look back and realize that every setback, every sacrifice, and every hardship was preparing you for something far greater than you ever imagined” (Huwag kailanman hayaang ang iyong kalagayan ang magtakda ng iyong kapalaran. Ang pinakamalalim na sugat ay kadalasang nagiging pinagmumulan ng ating pinakamalaking lakas. Kung ang isang batang lumaki nang walang ama, mula sa isang payak na tahanan at halos walang ibang sandata kundi pananampalataya at determinasyon, ay maaaring tumayo sa harap ninyo ngayon, kaya mo rin. Kaya mangarap ka nang buong tapang, kahit tila imposibleng makamit ang iyong pangarap. Magtrabaho nang may layunin, kahit mahirap ang landas. Huwag kailanman sumuko. Darating ang araw na lilingon ka at mapagtatanto mong ang bawat kabiguan, bawat sakripisyo, at bawat pagsubok ay naghahanda sa iyo para sa isang bagay na higit na dakila kaysa sa iyong inaakala). Dagdag pa niya.



