Kiamba MPS, pinalakas ang seguridad sa paaralan sa ilalim ng Campaign Plan “ESKWELAHAN”

0
32

Patuloy na pinalalakas ng Kiamba Municipal Police Station (MPS) ang mga hakbang sa pagpapanatili ng seguridad sa James L. Chiongbian National Trade School sa Kiamba, Sarangani sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility, mobile patrol, area security, at tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan noong Agosto 25, 2026.

Isinasagawa ang mga hakbang na ito alinsunod sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Kiamba MPS, Department of Education (DepEd)–Kiamba District, at Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), bilang bahagi ng pagpapatupad ng PRO 12 Campaign Plan “ESKWELAHAN.”

Layunin ng programa na matiyak ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro, at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan sa pamamagitan ng mas pinaigting na presensya ng pulisya at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor.

Binigyang-diin ng Kiamba MPS na ang kaligtasan ng mga kabataan ay nagsisimula sa tahanan, pinatatatag sa paaralan, at higit na napapalakas sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga pamilya, komunidad, at kapulisan. Ang patuloy na kooperasyon, pagbabantay, at pagkakaisa ay mahalaga sa pagbuo ng mas ligtas na mga paaralan at mas matatag na mga pamayanan.

Nanatiling handa at mapagmatyag ang Kiamba MPS sa pagbibigay ng agarang tulong at mabilis na pagtugon sa anumang sitwasyon, bilang patunay ng patuloy nitong pangako sa kaligtasan at seguridad ng bawat mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan na naaayon sa adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply