PNP, nagpahatid ng pasasalamat sa unang taon ng pamumuno ni PGen Nartatez

0
150

Nagkaisa ang Philippine National Police (PNP) sa isang Thanksgiving Mass noong Agosto 26, 2026, sa St. Joseph Chapel, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City, bilang paggunita at pasasalamat sa unang anibersaryo ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez, Jr. bilang PNP Chief. Dinaluhan ito ng mga matataas na opisyal mula sa iba’t ibang yunit ng PNP, gayundin ng uniformed at non-uniformed personnel, bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa patuloy na gabay at biyaya ng Diyos sa organisasyon sa nakalipas na isang taon.

Naging pagkakataon din ang naturang paggunita upang balikan ang mahahalagang tagumpay at hamon ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni PGen Nartatez. Ang mga tagumpay ng organisasyon ay bunga ng sama-samang pagsisikap, katapatan, disiplina, at dedikasyon ng bawat tauhan sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at kaayusan, gayundin sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Patuloy na pinatitibay ng PNP ang mga programa at reporma nito, at nananatiling buo ang paninindigan sa pagsusulong ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” tungo sa mas ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/1FApsQ9eAT/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply