PMGen Aberin, pormal nang nagretiro sa serbisyo

0
51

Pormal nang nagretiro sa serbisyo si Police Major General Anthony A. Aberin matapos siyang bigyang-pugay sa Retirement Honors na pinangunahan ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. noong Agosto 23, 2026, sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Nakiisa sa makabuluhang seremonya ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), pamilya, kaibigan at mga kasamahan ni PMGen Aberin upang kilalanin at parangalan ang kanyang mga taon ng dedikasyon, pamumuno at tapat na paglilingkod sa organisasyon at sa sambayanang Pilipino.

Sinundan ito ng testimonial at thanksgiving lunch na nagsilbing pagkakataon para sa mga kasamahan at mahal sa buhay na ipaabot ang kanilang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanyang makabuluhang ambag sa PNP.

Bagama’t tuluyan nang nagpaalam sa aktibong serbisyo, mananatiling inspirasyon ang kanyang halimbawa ng dedikasyon at pamumuno sa mga patuloy na naglilingkod sa bayan. Samantala, nagpapatuloy ang PNP sa pagsusulong ng isang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” bilang patuloy na pagtupad sa tungkuling protektahan at paglingkuran ang sambayanang Pilipino.

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/19garn61hf/)

Leave a Reply