Pulis, sugatan matapos rumesponde sa nag-aamok na suspek sa Camarines Sur

0
118

Nasugatan ang isang police officer matapos makipagharap sa nag-aamok na suspek na pinaniniwalaang nakararanas ng mental health problem sa Zone 1, Brgy. Calalahan, San Jose, Camarines Sur, noong Agosto 22, 2026.

Rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station na pinamumunuan ni PSSg Noli M. MiraƱa.

Sa kanilang pagdating, sinikap ng mga pulis na kausapin nang mahinahon at mapayapa ang suspek upang mapababa ang tensyon at maresolba ang sitwasyon nang walang karahasan. Gayunman, bigla itong sumugod sa mga pulis, dahilan upang matumba si PSSg MiraƱa.

Bigla na lamang siya umanong inatake ng suspek gamit ang bolo na nagdulot ng malubhang sugat sa kanyang kaliwang kamay at mukha.

Agad namang kumilos ang mga kasamahan ni PSSg MiraƱa upang pigilan ang pag-atake at mailigtas ang kanilang kasamahan. Napilitan umano silang gumamit ng kanilang service firearms at tinamaan ang suspek sa magkabilang hita, dahilan upang tuluyang mapigilan ang banta.

Agad na dinala sa Partido District Hospital ang pulis at suspek at kalaunan ay inilipat sa Bicol Medical Center para sa karagdagang gamutan.

Pinuri ng Police Regional Office 5 ang katapangan, propesyonalismo at pagpipigil ng mga rumespondeng pulis sa kabila ng panganib sa kanilang buhay. Ipinakita ni PSSg MiraƱa ang tunay na diwa ng paglilingkod sa bayan sa kanyang pagtatangkang maresolba muna nang mapayapa ang sitwasyon.

Samantala, hinimok naman ng PRO5 ang publiko na samahang ipanalangin ang mabilis na paggaling ni PSSg MiraƱa habang tiniyak ang kanilang matatag na pagtupad sa kanilang tungkuling pangalagaan ang publiko alinsunod sa adbokasiya ng ā€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.ā€

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1PBc9cCsZz/

Leave a Reply