Suspek, arestado sa search warrant operation sa Sta. Fe, Romblon; Mga bala narekober

0
187
Screenshot

Naaresto ang isang indibidwal matapos isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police ang isang search warrant dahil sa  paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Sitio Hinaclupan, Brgy. Magsaysay, Sta. Fe, Romblon, nito lamang umaga ng August 21, 2026.

Nanguna sa operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Romblon Provincial Field Unit katuwang ang Sta. Fe Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj John Anthony G Angio, Acting, Chief of Police; RIU 4B–PIT Romblon, Romblon Regional Intelligence Team, Regional Intelligence Division ng PRO MIMAROPA, at ang Odiongan Maritime Law Enforcement Team.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant No. 03-2026 na inisyu noong August 20, 2026 ni Hon. Edwin B. Buffe, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon dahil sa paglabag sa R.A. No. 10591.

Dito narekober ng mga awtoridad ang 39 rounds ng live 9mm ammunition at isang black plastic ammunition holder mula sa suspek.

Agad namang nai-turnover ang mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG Romblon Provincial Field Unit para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 28(g) ng Republic Act No. 10591.

Pinuri naman ni PCol Rexton F Sawi, Provincial Director ng Romblon PPO, ang mga operatiba sa maagap at matagumpay na pagsisilbi ng search warrant.

Aniya, “This successful implementation of a search warrant reflects the unwavering commitment of the Philippine National Police to uphold the rule of law and keep illegal firearms and ammunition out of our communities. Romblon PPO remains steadfast in supporting all legitimate law enforcement operations to ensure a safer and more secure province for every Romblomanon” (Ang matagumpay na pagpapatupad ng search warrant na ito ay nagpapakita ng walang-pag-aalinlangang paninindigan ng Philippine National Police na itaguyod ang batas at panatilihing malayo sa ating mga komunidad ang mga ilegal na baril at bala. Nananatiling matatag ang Romblon PPO sa pagsuporta sa lahat ng lehitimong operasyon ng pagpapatupad ng batas upang matiyak ang mas ligtas at mapayapang lalawigan para sa bawat Romblomanon).

Patuloy naman ang Romblon Police Provincial Office sa kanilang panawagan sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sakaling mayroong mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa pagkakaroon ng ilegal na baril at mga bala upang matiyak ang kaligtasan ng lahat alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply