Php6.18M halaga ng hinihinalang ilegal na palm oil at dalawang sasakyan, narekober ng PRO4B; Lalaki arestado

0
220
Screenshot

Matagumpay na narekober ng Police Regional Office 4B (PRO4B) ang tinatayang nasa Php6,186,944 na halaga ng mga cooking palm oil at dalawang sasakyan matapos maaresto ang isang indibidwal sa isinagkatuparan na buy-bust operation sa Puerto Princesa City, Palawan nito lamang August 20, 2026.

Nanguna sa operasyon ang mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), katuwang ang Police Station 2 at ang City Mobile Force Company (CMFC) sa Purok Damayan, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City.

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 23-year-old na lalaki na umano’y nagbenta ng tinatayang 18 litro ng cooking palm oil sa isang undercover police officer, ngunit bigong makapagpakita ng mga legal na dokumento kung saan nanggaling ito.

Narekober ng mga awtoridad ang nasa 9,018 litro ng cooking palm oil na may estimated value na Php876,944, kasama ang dalawang private truck na pinaniniwalaang pinagkargahan ng nasabing mga ilegal na produkto.

Kasama sa narekober na sasakyan ang isang blue Isuzu wing van at isang puting Mitsubishi Canter, na may tinatayang halaga na Php5.31 milyon.

Agad namang ipinaalam sa naarestong suspek ang kanyang mga karapatan habang inihahanda ang pagsampa sa kanya ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o ang  Food and Drug Administration Act of 2009.

“Our personnel will continue to act on information and conduct lawful operations against the unauthorized manufacture, sale, and distribution of products that may put consumers at risk. We will continue to work closely with our partner agencies to ensure that violations are properly addressed,” pahayag pa ni PBGen Christopher R Dela Cruz, Regional Director ng PRO4B.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EB3uwvFHw/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply