15 guro, ligtas na nailikas ng kapulisan at mga Rescue Team, matapos ma-stranded sa rumaragasang ilog sa Bongabong, Oriental Mindoro

0
175

Ligtas na nailikas ang 15 guro ng Naswak Elementary School na na-stranded sa rumaragasang ilog sa Sitio Naswak, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro nito lamang August 20, 2026, matapos umanong lumakas ang tubig-baha ng Bongabong River na siyang dahilan ng pagkasira ngĀ  kawayang tulay na nagsilbing kanilang pangunahing daanan.

Binubuo ang rescue team ng mga tauhan mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Oriental Mindoro Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni Force Commander, PLtCol Israel Cisco T. Magnaye, katuwang ang 10th Special Action Battalion, Special Action Force (10th SAB, SAF), Bureau of Fire Protection–Bongabong, at ang Bongabong Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Rescue Division.

Inilunsad ang naturang rescue operation matapos iulat ng isang barangay official ang kalagayan ng nasabing mga guro.

Agad na nakipagtulungan ang MDRRMO sa PNP at sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang magtalaga ng mga rescue team para ligtas na mailikas ang nasabing mga stranded na indibidwal.

Pinuri naman ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng PRO4B, ang maagap na pagresponde ng mga awtoridad upang ligtas na mailikas ang nasabing mga guro.

Aniya, ā€œIn an emergency, every minute matters. What saved the situation was the quick coordination and immediate response of our personnel and partner responders to make sure that all our teachers were brought to safety.ā€

Sa pamamagitan ng maagap at agarang aksyon, nailigtas ang nasabing mga apektadong indibidwal, isang patunay ng layunin ng kapulisan, katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, na protektahan ang kapakanan ng lahat ng mga mamamayan alinsunod sa adbokasiya ng ā€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.ā€

Source: https://www.facebook.com/share/v/1VCaSj4WXP/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply