Aabot sa 473 indibidwal ang nahuli sa pinaigting na Safer Cities Initiative ng Cebu Police Provincial Office dahil sa iba’t ibang paglabag sa lokal na ordinansa at traffic regulations noong August 18, 2026.
Sa 290 operasyon, 60 ang nahuli sa pag-iinom sa pampublikong lugar, 32 sa paninigarilyo, 30 sa pagala-gala nang walang damit pang-itaas, at 65 menor de edad sa paglabag sa curfew. Pinakamarami naman ang naitalang 285 na traffic violations.
Sa kabuuang nahuli, 285 ang pinagmulta habang 188 ang binigyan ng babala at pinalaya, habang aabot sa kabuuang Php153,900 ang nalikom na multa.
Binigyang-diin nina PRO7 Regional Director PBGen Arnold E Abad at CPPO Provincial Director PCol Abubakar U Mangelen Jr., ang kahalagahan ng patuloy na police visibility at maayos na pagpapatupad ng mga ordinansa.
Patuloy na ipatutupad ng Cebu Police Provincial Office ang Safer Cities Initiative kasama ang mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez
Source: https://www.facebook.com/share/p/19PdN1HEZ7/



