Batanes PPO, nakiisa sa Bloodletting Activity ng Philippine Army

0
91

Matagumpay na nakiisa ang mga tauhan ng Batanes Police Provincial Office (BPPO) sa isinagawang Bloodletting Activity na pinangunahan ng 205th (Batanes) Community Defense Center, 2nd RCDC, RESCOM, Philippine Army, sa Basco Gymnasium, noong ika-16 ng Agosto, 2026.

Isinagawa ang naturang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng 43rd Reserve Command Philippine Army Founding Anniversary, na naglalayong maisulong ang diwa ng pagtutulungan at paglilingkod sa komunidad.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa bloodletting activity, ipinamalas ng mga tauhan ng BPPO ang kanilang malasakit at kahandaang magbigay ng tulong sa nangangailangan. Ang naturang inisyatiba ay nagbigay rin ng pagkakataon upang higit na mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng mga uniformed personnel sa pagpapatupad ng mga gawaing may pakinabang sa komunidad.

Patuloy na pinagtitibay ng Batanes PPO ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang ahensya at stakeholders sa pagsusulong ng serbisyong nakatuon hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa pangangalaga at pagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng makabuluhang serbisyo sa komunidad.

Source: PNP Batanes Police Provincial Office

Leave a Reply