Driver, huli sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries

0
110

Isang 48-anyos na driver ang naaresto ng kapulisan matapos isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Tiwi, Albay kaugnay ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries noong Agosto 16, 2026 sa Goa, Camarines Sur.

Bandang alas-4:30 ng hapon, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Tiwi Municipal Police Station, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMajJohn Louise Salvador S. Pacres, Chief of Police, katuwang ang mga operatiba ng Goa Municipal Police Station, Camarines Sur PPO, sa direktang superbisyon naman ni PCpt Jeson Max F. Barcenas, Officer-in-Charge, laban sa akusadong kinilala sa alyas na “Ben,” isang driver at residente ng Goa, Camarines Sur.

Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries na may itinakdang piyansang Php30,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Agad na ipinaalam kay alyas “Ben” ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Saligang Batas. Ang buong operasyon ay naitala gamit ang Body-Worn Camera bilang bahagi ng pagsunod ng kapulisan sa wastong proseso at pagpapatupad ng mga umiiral na alituntunin sa operasyon.

Ayon kay PCol Noel Donato Nuñez, Provincial Director ng Albay PNP, patuloy na paiigtingin pa ng Albay Kasurog Cops ang intelligence gathering at monitoring upang matukoy ang kinaroroonan ng mga indibidwal na may kinakaharap na kaso at nakabinbing warrant of arrest.

Aniya, bahagi ito ng adbokasiyang Serbisyong NOEL upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at pananagutan sa komunidad alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EtksfKkut/

Leave a Reply