PBGen Rodriguez, itinampok ang unang 100 araw ng pamumuno sa PRO2

0
42

Matagumpay na ginunita ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang unang 100 araw ng pamumuno ni PBGen Mariano C. Rodriguez bilang Regional Director noong Agosto 10, 2026, sa Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan, tampok ang media briefing, iba’t ibang engagement activities, at pagpapasinaya ng mga bagong pasilidad ng PRO2.

Pinangunahan ni PBGen Rodriguez ang programa kasama ang mga miyembro ng media at iba pang stakeholders. Kabilang sa mga aktibidad ang press conference, media fun shoot, at pagpapasinaya ng Balai Kaagapay, gayundin ng bagong ayos na PRO2 Flagpole Platform at Ceremonial Wall. Dumalo rin bilang panauhing pandangal si Hon. Josemarie L. Diaz, City Mayor ng Ilagan.

Sa isinagawang press conference, ibinahagi ni PBGen Rodriguez ang mga pangunahing accomplishment ng PRO2 sa unang 100 araw ng kanyang pamumuno, kabilang ang mga nakumpiska at kusang isinukong baril sa iba’t ibang lugar sa Region 2. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng media sa pagsusulong ng transparency, pagpapalaganap ng tamang impormasyon, at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.

Nagbigay naman ang media engagement ng pagkakataon upang higit pang mapalakas ang ugnayan at partnership ng PRO2 sa mga mamamahayag at iba pang stakeholders. Patuloy na palalakasin ng PRO2 ang mga programa at inisyatibang naglalayong mapanatili ang momentum ng mga nakamit sa unang 100 araw, sa pamamagitan ng responsive leadership, pakikipagtulungan sa stakeholders, at serbisyong tunay na nararamdaman ng mamamayan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply