Arestado ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang Rank 2 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Poblacion, Jordan, Guimaras, bandang 12:14 ng tanghali noong Agosto 12, 2026.
Ang akusado, na kinilala sa alyas na “JK” 22 taong gulang, binata, at residente ng Sibunag, Guimaras, ay naaresto ng mga tauhan ng Jordan Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Guimaras Provincial Police Office (GPPO), Regional Intelligence Unit 6 Police Intelligence and Targeting Team (RIU6-PITT) Guimaras, at Guimaras Provincial Mobile Force Platoon (PMFP).
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng dalawang Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b), Article III ng Republic Act No. 7610. Ang mga warrant ay inilabas noong Agosto 12, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 65, Jordan, Guimaras, na may inirekomendang piyansa na PhP120,000.00 para sa bawat kaso.
Pinuri ni PRO6 Regional Director Police Brigadier General Randulf T Tuaño ang mga operating unit sa matagumpay na operasyon at binigyang-diin na ang agarang pagkakaaresto sa akusado sa mismong araw ng paglabas ng warrant ay nagpapakita ng mabilis na pagtugon sa intelligence information, kahandaan ng mga operatiba, at maayos na koordinasyon ng mga yunit.
“Ang agarang pagpapatupad ng warrant sa mismong araw na inilabas ng korte ay patunay ng mabilis at koordinadong pagkilos ng ating mga yunit. Patuloy nating paiigtingin ang intelligence efforts at manhunt operations upang matiyak na ang mga taong may kinahaharap na kaso ay agad na maiharap sa hukuman at mapanagot sa ilalim ng batas,” ani PBGen Tuaño.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Jordan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Patuloy na pinalalakas ng PRO6 ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng layunin nitong isulong ang Responsive, Trusted, at Transformative Policing na nakabatay sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/18GQNzspg6/?mibextid=wwXIfr



