2 Most Wanted Person sa paglabag sa R.A. 9165, arestado sa operasyon ng Quezon PNP

0
27

Arestado ang dalawang Most Wanted Persons Regional Level ng mga tauhan ng Quezon Police Provincial Office sa magkahiwalay na operasyon noong Agosto 9, 2026 sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Police Colonel Romulo A Albacea, Provincial Director ng Quezon PPO, naaresto ng Macalelon MPS ang suspek na si alyas “Vin,” 37-anyos, residente ng Barangay Luctob, Macalelon, Quezon na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165.

Samantala, naaresto naman ng mga operatiba ng Buenavista MPS, katuwang ang San Francisco MPS, si alyas “Roberto,” 73-anyos, magsasaka, residente ng Barangay San Juan, San Narciso, Quezon sa bisa ng mga Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code at dalawang bilang ng paglabag sa Section 5(B) ng RA 7610.

“Ang matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang Regional-Level Most Wanted Persons ay bunga ng ating tuloy-tuloy na intelligence-driven at police operations. Hinihikayat ko ang ating mga kapulisan na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon at propesyonalismo sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sa ating mga kababayan, makakaasa kayo na patuloy naming paiigtingin ang ating mga operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa buong lalawigan ng Quezon,” pahayag ni PCol Albacea.

Source: Quezon Police Provincial Office

Leave a Reply