Wanted Person sa kasong estafa, arestado ng PNP sa Isulan, Sultan Kudarat

0
29

Arestado ang isang wanted person sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad nito lamang Lunes, Agosto 10, 2026 sa Barangay Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek sa alyas na “Adam,” 40-anyos at residente ng Barangay Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Isulan Municipal Police Station, katuwang ang Sultan Kudarat Criminal Investigation and Detection Group–Provincial Field Unit at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong estafa sa ilalim ng Criminal Case No. 59735, na may inirekomendang piyansa na Php300,000.

“Hindi tayo titigil sa pagtugis sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang matiyak na sila ay maiharap sa hukuman at manaig ang katarungan, kasabay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga pamayanan,” pahayag ni PBGen Manibog.

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply