Rank 9 Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 9165, arestado ng Parañaque City PNP

0
87

Arestado ng mga operatiba ng Parañaque City Police Station ang tinaguriang Top 9 Station Level Most Wanted Person sa kahabaan ng GG Cruz Street, Barangay Baclaran, Parañaque City nito lamang Agosto 11, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Nicolas S Piñon, Chief of Police, Parañaque CPS, ang suspek na si alyas “Sahib”, 25 anyos, delivery rider, residente ng Barangay San Dionisio, Parañaque City na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa ilalim ng Criminal Case No. 2022-0756 na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php200,000.

Patuloy na pinaiigting ng Parañaque City PNP ang kanilang manhunt operations bilang bahagi ng kampanya nito laban sa kriminalidad, alinsunod sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Southern Police District

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply