BCPO Station 3, nagsagawa ng road clearing operation matapos ang soil erosion sa Holyghost Proper bunsod ng “Habagat”

0
28

Agad na nagsagawa ng road clearing operation ang mga tauhan ng Police Station 3 ng Baguio City Police Office (BCPO) sa Sumulong Extension, Barangay Holyghost Proper, Baguio City ngayong araw, Agosto 9, 2026, bilang tugon sa soil erosion na dulot ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan bunsod ng habagat. Pinangunahan ito ni PMaj Edward B. Toyoken, Station Commander, katuwang ang mga opisyal at residente ng barangay.

Agad na nilinis ng mga police personnel, barangay officials, at mga residente ang apektadong bahagi ng kalsada upang maibalik ang maayos na daloy at matiyak ang kaligtasan at accessibility ng mga motorista at pedestrian na dumaraan sa lugar.

Bahagi ang naturang operasyon ng patuloy na pagsisikap ng BCPO na magbigay ng agarang tulong at mapalakas ang public safety, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha, soil erosion, landslide, at iba pang panganib na dulot ng masamang panahon.

Hinimok naman ng Police Station 3 ang publiko na manatiling mapagmatyag, mag-ingat sa paglalakbay, at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang mapanganib na kondisyon sa kalsada o insidenteng may kaugnayan sa panahon. Patunay ito ng patuloy na pagtugon ng kapulisan sa pangangailangan ng komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: BCPO – Police Station 3

Leave a Reply