Ligtas at maayos na lansangan sa Tondo, tiniyak ng MPD Station 2 sa gitna ng malakas na pag-ulan

0
156

Nagsagawa ng area monitoring, police presence, at traffic assistance ang mga tauhan ng 20 Bravo Line Beat 1 ng Moriones-Tondo Police Station (PS-2) sa kanto ng Juan Luna St. at C.M. Recto Ave., Tondo, Maynila, noong Agosto 8, 2026, simula alas-10:00 ng gabi.

Sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Gilbert Cajurao Cruz, Station Commander, nanatiling maayos at ligtas ang sitwasyon sa lugar sa kabila ng maulang panahon at thunderstorm. Naitala rin ang light to moderate na daloy ng trapiko at walang naitalang pagbaha sa lugar.

Layunin ng isinagawang police operation na mapanatili ang police visibility, maiwasan ang kriminalidad, at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar, alinsunod sa PNP Focused Agenda, partikular sa Police Visibility at Enhanced Managing Police Operations.

Patuloy na nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya at monitoring ang MPD PS-2 upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, commuter, at residente, anuman ang lagay ng panahon.

Samantala, hinimok ng pamunuan ng PS-2 ang publiko at mga motorista na mag-ingat sa pagbiyahe ngayong tag-ulan, sumunod sa mga batas-trapiko, at agad iulat sa pinakamalapit na police outpost ang anumang kahina-hinalang insidente o emergency.

Source: PNN

Leave a Reply