Rank 7 Regional Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado ng PRO-MIMAROPA sa Pangasinan

0
157
Screenshot

Arestado ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO-MIMAROPA) ang itinalagang Rank 7 Regional Most Wanted Person sa isinagawang joint manhunt operation sa Barangay San Antonio, San Manuel, Pangasinan nito lamang madaling-araw ng August 8, 2026.

Nanguna sa operasyon ang mga tauhan ng Naujan Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PLtCol Bobby Lloyd D. Ortiguero, Chief of Police, katuwang ang Asingan Police Station, Pangasinan Police Intelligence Unit (PIU), Pangasinan Police Provincial Office (PPO), at ang San Manuel Municipal Police Station.

Kinilala ang naarestong wanted person na isang 49-year-old na magsasaka at residente ng Barangay Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong July 13, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 12, Naujan, Oriental Mindoro dahil sa kasong statutory rape sa ilalim ng Criminal Case No. CR-N26-757 nang walang piyansang inirekomenda.

Kinilala naman ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng PRO-MIMAROPA, ang lahat ng mga operatiba na nakiisa at nanguna sa matagumpay na pag-aresto sa nasabing wanted person.

Aniya, “This successful operation sends a clear message that no fugitive can hide from the law indefinitely. Regardless of where they choose to flee, our police officers will continue to work closely with their counterparts across the country to locate, arrest, and bring them before the courts. We commend the operating personnel for their professionalism, persistence, and commitment in ensuring that justice is served.”

Binigyang-diin ni PBGen Dela Cruz sa kanyang mensahe na ipinapakita ng matagumpay na operasyon na walang puganteng maaaring magtago sa batas habambuhay. Anuman ang lugar na kanilang takbuhan, patuloy na makikipagtulungan ang mga tauhan ng kapulisan sa kanilang mga counterpart sa iba’t ibang panig ng bansa upang matunton at maaresto ang mga pugante at maiharap ang mga ito sa korte. Pinuri rin niya ang mga operating personnel dahil sa kanilang propesyonalismo, tiyaga, at dedikasyon sa pagtitiyak na maipatupad ang katarungan.

Siniguro naman ng pamunuan ng PRO-MIMAROPA ang kanilang hangarin na palawakin ang pagtugis sa lahat ng mga wanted persons para sa kaligtasan ng mga mamamayan alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply