Rank 7 Most Wanted Person sa kasong paglabag sa R.A. 9165, arestado sa Cebu City

0
197

Arestado ang isang lalaki na itinalaga bilang Rank 7 Municipal Most Wanted Person sa isinagawang pag-aresto ng mga awtoridad sa Upper Kalunasan, Brgy. Kalunasan, Cebu City, noong Agosto 6, 2026.

Kinilala ni PCpt. Meryl P Causin, Officer-in-Charge ng Police Station 10 ng Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Jordan”, 38 anyos na residente ng Sitio Mahayahay 1, Barangay Calamba, Cebu City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Sec.11 ng R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 18, Cebu City para sa Service of Sentence.

Ang matagumpay na pag-aresto ay patunay ng mas pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya sa paghuli ng mga wanted persons sa ilalim ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Flora Mae Asarez\

Source: Police Station 10, Cebu City Police Office

Leave a Reply