Php232K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasamsam sa PNP checkpoint sa Koronadal City

0
124

Nasamsam ang nasa Php232,712.32 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagresulta sa pagkakadakip ng isang lalaki sa ikinasang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Barangay Paraiso, Koronadal City noong Agosto 6, 2026.

Ayon kay Police Colonel Argel N Ancheta, Officer-In-Charge, South Cotabato Police Provincial Office, nasamsam ang nasa 272 ream ng hinihinalang smuggled na Gajah Baru na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php232,712.32 ng mga tauhan ng South Cotabato Police Provincial Office katuwang ang South Cotabato Highway Patrol Team.

Nabatid na naharang ang isang kulay abong Suzuki Wagon R na walang plaka. Sa isinagawang inspeksyon, nabigo ang drayber na magpakita ng mga dokumentong nagpapatunay na legal ang pagbibiyahe ng mga sigarilyo, kaya agad dinakip ang suspek.

Patuloy namang pinalalakas ng South Cotabato PNP ang kampanya laban sa smuggling sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon sa mga partner agency upang maprotektahan ang kita ng pamahalaan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng South Cotabato na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply