Arestado ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Station at Kalilangan Municipal Police Station ang 19-anyos na lalaki na itinuturing na suspek sa pagpaslang sa isang LGBTQ+ member na tinangkang saksakin ang umaarestong pulis sa isinagawang follow-up operation sa Sitio Sabang, Barangay Central Poblacion, Kalilangan, Bukidnon bandang 12:56 ng madaling araw nito lamang Agosto 6, 2026.
Ayon kay Police Colonel Oliver S Navales, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ikinasa ang naturang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizens na nagtatago sa naturang lugar ang suspek na itinuturing na pangunahing person of interest sa pagpatay sa isang LGBTQ+ member na nakilala lamang sa alyas na “Bety” na natagpuang wala nang buhay sa Barangay 1, Malaybalay City noong Hulyo 27, 2026.
Nabatid na habang nilalapitan ng pulisya ang suspek upang sitahin dahil sa paglabag sa curfew ordinance, bigla itong bumunot ng hunting knife at tinangkang saksakin ang isa sa mga pulis. Nakaiwas ang pulis at sa tulong ng iba pang operatiba ay agad na naaresto ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa patong-patong na mga kaso tulad ng mga kasong Murder, Direct Assault, at Illegal Possession of Deadly Weapon.
Patuloy na pinaiigting ng PNP ang kanilang manhunt operations sa buong rehiyon bilang bahagi ng kampanya nito laban sa kriminalidad, alinsunod sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PCADG Northern Mindanao



