Php408K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa CDO; Lalaki, arestado

0
162

Arestado ang isang 55-anyos na lalaki at nasabat ang tinatayang Php408,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Buena Oro, Barangay Macasandig, Cagayan de Oro City bandang 10:50 ng umaga nito lamang Agosto 5, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas Jun Jun, 55-anyos, may asawa, residente ng naturang lugar na nakuhanan ng 11 sachets ng hininalang shabu na may kabuuang bigat na mahigit kumulang 60 gramo at may Standard Drug Price na Php408,000, buy-bust money, isang digital weighing scale, cellphone, improvised glass pipe, iba pang drug paraphernalia at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office, katuwang ang Cagayan de Oro City Mobile Force Company at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 10.

Patuloy na isinusulong ng Philippine National Police ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” Sa pamamagitan ng mas pinaigting na law enforcement operations, intelligence-driven policing, at mahigpit na pagpapatupad ng batas, ipinakikita ng PNP ang dedikasyon nitong protektahan ang bawat Pilipino laban sa banta ng kriminalidad at ilegal na droga.

Source: PCADG Northern Mindanao

Leave a Reply