Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) ang No. 2 Most Wanted Person sa antas ng rehiyon sa kasong Qualified Rape sa isinagawang operasyon ng Tracker Team ng Ilog Municipal Police Station sa Hacienda Palma, Brgy. Andulauan, Ilog, Negros Occidental, noong Agosto 3, 2026.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Randy P. Babor, Chief of Police ng Ilog MPS, na nagresulta sa ligtas at maayos na pagkakadakip sa akusado.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas bago isinailalim sa kustodiya ng Ilog MPS para sa kaukulang disposisyon.
Ipinakikita ng matagumpay na operasyong ito ang walang humpay na kampanya ng PRO NIR laban sa mga wanted persons sa ilalim ng SAFE NIR Program upang matiyak na mapapanagot sa batas ang mga akusado at maihatid ang hustisyang nararapat para sa mga biktima.
Ang tagumpay na ito ay alinsunod sa pagsusulong sa adhikain ng Pambansang Pulisya na maghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman para sa isang ligtas at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos
Source: PRO NIR



