Benguet PNP, nanguna sa Search and Rescue

0
193

Nanguna sa Search and Rescue (SAR) ang mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ng Police Colonel Dionisio B Bonoy, Provincial Director katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Health Unit (MHU), at Local Government Unit (LGU) ng La Trinidad sa Shilan, La Trinidad, Benguet nito lamang Huwebes, Agosto, 6, 2026.

Nabatid na agad na ikinasa ang Search and Rescue kasunod ng pagguho ng lupa na bahagyang sumira sa isang establisimyento sa naturang lugar.

Nag-deploy ang mga rescue personnel sa kani-kanilang areas of responsibility upang magsagawa ng rescue at monitoring operations, matiyak ang kaligtasan at maibigay ang kinakailangang tulong sa mga residenteng apektado ng naturang pagguho ng lupa.

Layunin ng operasyon na makapagbigay ng agarang responde at mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng kalamidad, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Benguet Police Provincial Office

Leave a Reply