634 violators, huli sa mas pinaigting na Safer Cities Initiative ng Cebu PPO

0
99

Umabot sa 634 na mga lumabag sa mga lokal na ordinansa ang naaresto ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang 316 police operations sa buong lalawigan noong Agosto 3, 2026.

Sa kabuuang bilang, 456 ang pinagmulta habang 179 ang binigyan ng babala at pinalaya. Karamihan sa mga paglabag ay may kinalaman sa traffic ordinances, curfew para sa mga menor de edad, pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, at iba pang lokal na ordinansa.

Ayon kay PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Regional Director ng CPPO, layunin ng kampanya na mapanatili ang disiplina, maiwasan ang krimen, at mapalakas ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad. Pinuri rin ng PRO-7 at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu ang patuloy na pagpapatupad ng operasyon.

Patuloy namang paiigtingin ng CPPO ang police visibility, mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapanatili ang ligtas at maayos na lalawigan ng Cebu sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply