Umabot sa 612 ordinance violators ang naaresto ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang 260 police operations sa buong lalawigan ng Cebu noong Agosto 4, 2026.
Sa kabuuang bilang, 430 ang pinagmulta habang 182 ang binigyan ng babala at pinalaya. Karamihan sa mga paglabag ay may kaugnayan sa traffic ordinances, pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, curfew, paninigarilyo, at iba pang lokal na ordinansa.
Ayon kay PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng Cebu PPO, layunin ng kampanya na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at disiplina sa mga komunidad sa pamamagitan ng mahigpit ngunit makatarungang pagpapatupad ng mga lokal na batas.
Pinuri naman ni PBGen Arnold Evangelista Abad, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang dedikasyon ng CPPO sa pagtataguyod ng ligtas at maayos na pamayanan sa Cebu sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Panulat ni Flora Mae Asarez



