4 na pulis ng Project 6 Police Station 15 ng QCPD, pinarangalan ng NAPOLCOM

0
243

Pinarangalan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang apat na tauhan ng Project 6 Police Station 15 ng Quezon City Police District sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Bryan Angelo Pajarillo, Station Commander, sa pamamagitan ng paggawad ng Certificate of Commendation bandang 200 ng hapon noong Agosto 5, 2026 sa National Police Commission Building sa Quezon City.

Ang pagkilala ay pinangunahan ni Atty. Rafael Vicente R. Calinisan, Commissioner, Vice Chairperson at Executive Officer (VCEO), na isinagawa sa simpleng seremonya at iginawad ang parangal bilang pagkilala sa kanilang maagap at bukal-sa-loob na pagtugon sa isang medical emergency sa Quezon City.

Kinilala ang apat na pulis na sina Police Staff Sergeant Robinson Lucena, Police Corporal Mujeeb Ajihil, Police Corporal Stieven Gonzales at Patrolman Quin Ruah Ymballa.

Nabatid na ang kanilang mabilis na pag-aksyon at ligtas na pag-eskort sa isang pasyente patungo sa ospital sa kabila ng matinding trapiko ay nagpapakita ng matibay na pangako ng Philippine National Police sa pagprotekta ng buhay at paghahatid ng mabilis, maagap, dedikasyon at makataong serbisyo sa publiko ay tunay na sumasalamin sa diwa ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

Source: Quezon City Police District

Panulat ni Grace Ortiz

Leave a Reply