Lalaki, arestado ng Davao City PNP; hinihinalang shabu at baril, narekober

0
23

Arestado ng Davao City Police Station 4 ang isang lalaki na nakuhanan ng hinihinalang shabu at baril sa isinagawang search warrant operation sa Purok 1, Muslim Village, Km. 11, Barangay Sasa, Davao City nito lamang Hulyo 31, 2026.

Kinilala ni Police Major Raymundo B Bacera Jr., Station Commander ng Davao City Police Station 4 ang suspek na si alyas Bunjong” na nakuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php68,000 at isang .38 caliber revolver.

Samantala, pinuri ni Police Colonel Peter B Madria, City Director ng Davao City Police Office, ang matagumpay na operasyon na nagpapakita ng patuloy na pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga at ilegal na pag-iingat ng baril. Kasabay nito, pinatutunayan din nito ang kahandaan at dedikasyon ng mga kapulisan sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod na napapaloob sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Davao City Police Office

Leave a Reply