Naaresto ng Police Regional Office 10 ang Top 6 Most Wanted Person Regional Level, na tinagurian rin na Top 2 Provincial at Top 1 City Most Wanted Person sa ikinasang joint operation ng mga otoridad sa Purok 1, Barangay Linabo, Malaybalay City, Bukidnon bandang 11:00 ng umaga noong Agosto 4, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas Eric, 42-anyos, karpintero at residente ng Malaybalay City, Bukidnon na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery with Homicide na walang inirekomendang piyansa.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Bukidnon Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Malaybalay City Police Station, 1003rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10, Regional Intelligence Unit 10, at Provincial Intelligence Unit ng Bukidnon.
Ang matagumpay na pag-aresto ay bunga ng patuloy na pinaigting na kampanya ng PRO 10 laban sa mga wanted persons, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman” na naglalayong mapanatili ang kaayusan sa bansa.
Source PCADG Northern Mindanao



