RMFB1 TSC, nagsagawa ng search and rescue at evacuation operations sa San Fernando City

0
20

Nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) at evacuation operations ang mga tauhan ng Technical Support Company (TSC), Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa Barangay Pagudpud, San Fernando City, La Union noong Agosto 4, 2026, kasabay ng pananalasa ng Bagyong “Luis.”

Pinangunahan ni PLt. Edgar Jean C. Corpuz ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Reynante G. Bibat, Company Commander. Sa kanilang maagap na pagtugon, matagumpay na nailikas ng mga tauhan ng TSC-RMFB1 ang ilang pamilyang nasa panganib upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kaagad na isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng disaster response efforts ng RMFB1 upang maibsan ang panganib na dulot ng malakas na ulan at pagbaha. Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang mga pulis sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang maayos at ligtas na paglikas ng mga residente.

Ang mabilis na pagtugon ay sumasalamin sa kahandaan at dedikasyon ng RMFB1 sa pagprotekta sa buhay at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad, alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: TCS, RMFB 1

Leave a Reply