Shoreline monitoring, isinagawa ng San Fernando CPS

0
23

Nagsagawa ng shoreline monitoring at pakikipagdayalogo sa mga beachgoers ang mga tauhan ng City of San Fernando Police Station sa mga baybaying lugar ng San Fernando City, La Union noong Agosto 4, 2026, bilang bahagi ng kanilang hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa gitna ng masamang lagay ng panahon.

Pinag-iingat ng kapulisan ang publiko dahil sa banta ng high tide at malalakas na alon na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Hinikayat nila ang mga residente at mga bisita na maging mapagmatyag at sumunod sa mga inilalabas na abiso ng mga kinauukulang awtoridad.

Pinayuhan din ang mga beachgoers na iwasang lumusong sa dagat habang nananatiling mapanganib ang kondisyon ng karagatan upang maiwasan ang mga posibleng aksidente at iba pang hindi inaasahang insidente.

Patuloy ang shoreline monitoring, police visibility, at pagbibigay ng napapanahong safety advisories ng City of San Fernando CPS bilang bahagi ng kanilang layuning mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mamamayan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSG Carmela G Danguecan

Source: SCPS

Leave a Reply