Rank 5 Most Wanted Person ng Davao Region, arestado sa kasong statutory rape at acts of lasciviousness sa Maco, Davao de Oro

0
35

Arestado ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person ng Davao Region sa ikinasang magkasanib na manhunt operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa Barangay Langgam, Maco, Davao de Oro nito lamang Agosto 1, 2026.

Ayon kay Police Colonel Cesario D Dukiling Jr., Provincial Director ng Davao de Oro Police Provincial Office, isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness.

Patuloy na pinaiigting ng Davao de Oro PNP ang kampanya laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng batas. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na manhunt operations, nananatiling determinado ang kapulisan na matunton at maaresto ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang matiyak ang pananagutan sa batas at higit pang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan na naaangkop sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Davao de Oro Police Provincial Office

Leave a Reply