Ika-31st PCR Month Culminating Activity, isinagawa ng PNP-HPG sa Katipunan Elementary School

0
42

Isinagawa ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang Ika-31st Police Community Relations (PCR) Month Culminating Activity sa Katipunan Elementary School, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal nito lamang Hulyo 31, 2026.

Naging posible ang aktibidad sa pangunguna ni Police Brigadier General Rommel S Batangan, Director, PNP-HPG, sa pakikipag-ugnayan ni Police Lieutenant Colonel Lorizel T Pumilban, Chief, PCR, HPG.

Nagbigay ng kaalaman ang grupo sa anti-bullying at basic traffic laws. Namigay din ng simple gifts para sa mga mag-aaral tulad ng payong, tumbler, sapatos at food packs na nagbigay ng saya at pag-asa sa mga mag-aaral.

Samantala, pasasalamat naman ang sukli ng mga bata at mga guro sa pangunguna ni Ms. Odes Dagong, Principal I ng naturang paaralan.

Sa buong buwan ng Hulyo, nagsagawa ang mga yunit ng pulisya, kabilang ang PNP-HPG, ng iba’t ibang community outreach programs, barangay engagements, school-based activities, medical at blood donation drives, environmental protection initiatives, youth development programs, information campaigns, at iba pang serbisyong pampubliko na nakaangkla sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: PNP-HPG

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply