Peace Agreement, isinagawa sa Cotabato; Iba’t ibang klase ng armas, isinuko ng magkatunggaling grupo

0
38

Isinagawa ang isang peace agreement ng mga dating magkatunggaling grupo at kusang-loob na isinuko ang kanilang mga armas sa isinagawang seremonya noong Agosto 1, 2026 sa Barangay Hall ng Barangay Estado, Matalam, Cotabato.

Pinangunahan ng Cotabato Police Provincial Office ang peace-building initiative na kasama ang Local Government Unit, Armed Forces of the Philippines, MILF-Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG), Bangsamoro Council of Elders, at iba pang mga katuwang na ahensya at sektor.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na dayalogo at pagtutulungan, matagumpay na naayos ang sigalot at napagtibay ang kanilang sama-samang hangarin na mapanatili ang kapayapaan sa kanilang komunidad.

Bilang patunay ng kanilang taos-pusong pagsuporta sa kapayapaan, kusang-loob na isinuko ng mga sangkot na panig ang anim na matataas na kalibreng baril, dalawang M203 grenade launcher, at mga bala na pinaniniwalaang ginamit sa nagdaang armadong engkuwentro.

Pinuri ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang lahat ng sektor na nakiisa sa pagsusulong ng kapayapaan.

Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga armas na isinuko kundi sa mga pusong piniling magkaisa. Ang kapayapaan ay bunga ng pagtutulungan, tiwala, at sama-samang hangarin para sa ligtas at maunlad na pamayanan, ani PBGen Manibog.

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply