Php1.2M halaga ng ilegal na droga, nasabat ng NCRPO; 107 indibidwal, arestado

0
28

Nasabat ang nasa mahigit Php1,230,032,000 halaga ng hinihinalang iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng 107 na indibidwal sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila mula Agosto 1-2, 2026.

Ayon kay Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director ng National Capital Region Police Office, 42 na anti-drug operations ang isinagawa, 62 operasyon naman sa ilegal gambling, tatlong operasyon ang ikinasa para sa illegal firearms at nasa 26 na indibidwal ang nailagay sa likod ng rehas.

Sa ilalim ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” nananatiling nakatuon ang NCRPO sa pagbibigay ng maagap, tapat, at epektibong serbisyo upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat komunidad.

Source: National Capital Region Police Office

Leave a Reply